bukas ang eLection para sa SSC (Supreme Student CounciL) sa pLm at ng kanya-kanyang student counciL ng bawat koLehiyo.
first time ko boboto kasi igno pa ko nung first year ako eh.
and now, i'm ready to vote.
kanina, nasaksihan ko ang debate between the candidates for presidency of SSC. isang tugonista at isang taga-bukLuran. isang Law student at isang medicine student. hindi ako kasapi ng isang kampo at masasabi kong gaLing siLa sa napakahirap at subok ng kurso.
ano ang mas pipiLiin mo?
paLaban at maraming sinasabi o kaLmado at straight to the point?
parehong may punto ang kaniLang sinasabi. parehong suportado ng kaniLang grupo.
para sakin, doon ako sa taong kaLmado at positibo dahiL sa aking paLagay, ang attitude na iyon ay makakatuLong para sa ikakaunLad ng pamantasan.
aLam ko na kung sino ang iboboto ko.
hindi Lang kasi ako tumitingin sa kung ano ang kaniLang sinasabi. tumitingin ako kung paano siLang makipag-usap.
ika nga ng isa kong prof, ang iyong personaLidad ang titingnan kapag nagjjob interview ka. aanuhin mo ang matataas mong grades kung waLa kang modo?
buti na Lang at nasa pamantasan ako. kahit na sa pangkaLahatan ay sinasabing mahiyain ang mag-aaraL dito, mapagkumbaba naman ang mga ito at matiisin.
maganda na rin ang isang pamantasan na hindi kumpLeto sa gamit, hindi aircon ang Lahat ng cLassrooms, sira-sira ang ibang computers, aanuhin mo naman iyon kung mas matututo kang dumiskarte. diba sa totoong Laban, pagkatapos ng koLehiyo, ang diskarte mo ay importante.
jennifer rose s. noynay, proud to be a PLMAYER.
trivia: congrats sa 1st pLacer sa nursing board exam (dec '07), isang taga-pamantasan =)
No comments:
Post a Comment