September 23, 2005

sad3p. . .

ang sama ko.
ang sama sama ko.

iyan taLaga ang pauLit-uLit na nasasabi ko s aking isipan.

maguLo. maLabo.
waLa na akong maintindihan. hindi ko aLam ang dapat gawin.
ano ba ang mas tama? ano ba ang mas maLi?
mahirap mag-isip kapag waLa ng oras.

naLungkot taLaga ako. naiiyak.
nagui2Lty. nababadtrip.
gusto ko nang magLaho, mawaLa.

pero nangyari na.
kung pwde ko Lang ibaLik ang oras, gagawin ko.
kung pwde ko Lang burahin ang mga sandaLing iyon, gagawin ko.

sa sitwasyong iyon, nasaktan kita.
s mga sandaLing nakikita kitang umiiyak, parang gugunaw na ang mundo ko.
dahiL ako ang may kasaLanan.

kahit sabihin mo man na okey Lang. .
aLam kong hindi iyon totoo.. dahiL hindi iyon okey..
sobrang hindi iyon okey.

feeLing ko tuLoy nang-iwan ako.
tsk, iyon p naman ang isa s mga ayoko s isang tao..
ang nang-iiwan sa ere.
tapos sariLing ako, parang ang Labas tuLoy ayoko sa sariLi ko.

SORRY.

isang mabigat na saLita na may napakabigat na kahuLugan.
maraming beses mo iyang narinig na sinasabi ko sa iyo.
sincere ako sa bawat sorry na binabanggit ko.

hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko.
dahiL tama iyon. tama iyon sa iba.
pero maLi para sa iyo.

marami na akong kasaLanan sa iyo.
kinakagat kita. kinukuLit. ginuguLo.
ewan, masaya akong gawin iyon at ang tingin ko masaya ka rin.
magkaibigan tau eh. magkakuLitan. magkasama.

pero iba itong kasaLanan kong ito.
iba sa mga iba.

akaLa ko s mga peLikuLa o sa panaginip Lamang pwdeng mangyari ang nangyari.
hindi paLa. pwde rin pa Lang maging totoo.

hindi ako handa. hindi ko iyon pinLano.
mas LaLong waLa akong ibang dahiLan kundi ayokong magsinungaLing.

SORRY.

kahit hindi mapapagaLing ng sorry ko ang nasaktan mong damdamin,
gusto kong maLaman mong sobrang naLungkot ako sa nangyari.

sa pagtatanggoL mo sa atin.. sa paninindigan mo..
saLamat. iyon pa ang nakaLimutan kong sabihin.

nasabi ko na ito sayo.
ang bait mo. hindi ka man Lang nagaLit sa akin.
kung gaLit ka man, hindi mo iyon pinapakita.
ang bait mo. naiintindihan mo ako.
ang bait mo. dahiL magkaibigan pa rin tayo.

meLa, Love kita.

* =( *

No comments: